Nanawagan si House Ways and Means Committee chairman Joey Salceda sa Department of Trade and Industry (DTI) at Bureau of Internal Revenue (BIR) na hikayatin ang mga online micro, small and medium enterprises (MSMEs) na magparehistro ng kanilang negosyo. 

Ito ay para mapasama sa “formal economy” ang naturang sektor na aniya’y maituturing bilang “saviors of the economy” at para na rin makatanggap ng benepisyo sa ilalim ng stimulus program. 

“They are actually very effective units for translating the programs under our economic stimulus and recovery plans into tangible growth and dynamism in the real economy,” ani Salceda. 

“They move faster than most bigger enterprises. They require very little capital to operate. They have been efficient uses of the tangible assets in Filipino households. They employ even stay-at-home mothers. And they encourage people to stay at home. I can’t think of a more efficient recipient and multiplier of our supply-side interventions,” dagdag pa nito. 

Sa kanyang tantya, nasa 1 million ang bilang ng informal online MSMEs, at karamihan aniya sa mga ito ay pasok sa tax exemption threshold na itinatakda ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law. 

Sinabi ni Salceda na kung marami sa mga ito ay makakapagrehistro at maging eligible sa benepisyo ng credit stimulus programs, magiging mas maayos ang liquidity sa ekonomiya. 

Base sa TRAIN Law, ang indibidwal na kumikita ng hindi lalagpas sa P250,000 sa buong taon ay exempted sa filing at payment ng anumang income taxes. 

“Of course, if you are already registered with the DTI and you are bigger than the thresholds mentioned in these laws, I encourage you to register with the BIR. The RMC was much misunderstood as an added burden, but it is actually a registration amnesty. If you register by July 31, your penalties and surcharges for not registering before are forgiven,” dagdag pa ng kongresista. 

Ayon kay Salceda, mahalaga na maraming MSMEs ang makakapagparehistro ngayon dahil kahi walang makolektang buwis ngayon mas malaki naman aniya ang economic benefits dito. 

Kasabay nito ay nanawagan siya sa BIR at DTI na gawing accessible online ang filing at payment ng mga buwis at charges sa online MSMEs.