NAIA chinese passengers flight

MANILA – Nilinaw ng Department of Health (DOH) na pinag-aaralan pa ng mga eksperto ang paggamit ng RT-PCR saliva test sa mga paliparan pang-detect ng coronavirus.

Pahayag ito ng ahensya matapos sabihin ni Testing czar Vince Dizon na lalakarin na rin nila ang pagpapatupad ng alternatibong COVID-19 test sa mga airport.

Ayon sa DOH, pinatatapos pa ni Sec. Francisico Duque III sa Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang pag-aaral nito sa saliva test para magamit na rin sa entry points ng bansa.

“Not yet… they should be able to finish the study for this validation of saliva as alternative specimen within two weeks,” ani Health Usec. Maria Rosario Vergeire.

“Kung titingnan natin yung order na yon, next week hopefully lumabas ang kanilang resulta, we can validate and implement sa ibang laboratoryo.”

-- Advertisement --

Noong nakaraang buwan nang aprubahan ng DOH ang RT-PCR saliva test ng Red Cross.

Sa ngayon ang molecular laboratoryo ng PRC sa Mandaluyong City at Port Area, Manila ang nagsasagawa ng mas mura at mas mabilis na test sa COVID-19.