mar roxas
Mar Roxas

ILOILO CITY – Tinawanan lang ni dating Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas ang mistulang pag-amin ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pananambang kay dating Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Roxas, sinabi nito na wala nang bago sa mga pahayag ng Pangulo na hindi raw malaman kung ano ang totoo at biro lang.

Ayon kay Roxas, tila nilinis umano ni Duterte ang kanyang pangalan kung saan siya mismo ang umamin ng kanyang pagpapa-ambush kay Loot na sa huli ay binawi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo at nilinaw na nagkaroon lang ng hindi pag kakaintindihan sa naging pahayag ng pangulo.

Ani Roxas, malinaw na ngayon na wala siyang kinalaman sa tangkang pagpatay kay Loot matapos idiniin dati ni Duterte sa nasabing krimen.