-- Advertisements --

Binatikos ni Vice President Leni Robredo si presidential spokesperson Harry Roque kasunod ng “outburst” ng naturang opisyal laban sa mga health workers.

Iginiit ni Robredo na walang karapatan si Roque para i-bully ang mga frontliners na sinusugal ang kanilang buhay sa laban kontra COVID-19.

Magugnuita na sa mga nakalipas na araw ay usap-usapan ang video ni Roque sa social medial kung saan makikita na napikon ito sa ilang grupo ng mga doktor na nakasama niya sa isang Zoom meeting patungkol sa COVID-19 response ng pamahalaan.

Ayon kay Robredo, kaya nga ginawa ang Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) upang sa gayon ay mapakinggan ang lahat ng sektor kaya walang karapatan si Roque para mam-bully at mambastos.

Iginiit din nito na karapatan lang din ng mga medical frontliners na ipahayag ang kanilang sitwasyon sa panahon ng pandemya sapagkat ikinakatawan lamang din nila ang kanilang sektor.

-- Advertisement --

Sinabi ni Robredo na hindi deserve ng mga doktor ang treatment ni Roque sa kanila lalo pa at marami na nga sa kanila ang nalagas o namatay dahil sa COVID-19.