Patuloy sa kanyang nakakabilib na performance ang rookie guard na si Kendrick Nunn upang pangunahan ang Miami Heat sa panalo laban sa Oklahoma City Thunder, 115-108.

Nagtala si Nunn ng 22 points upang sundan ang kanyang naunang 33 points noong Huwebes sa panalo rin ng Miami kontra Spurs.

Tumulong naman sa opensa ng Heat sina Bam Adebayo na may 21 points at eight rebounds at si Jimmy Butler na nagdagdag ng 14 points at 10 rebounds.

Sa panig ng Thunder angat ang laro ni Danilo Gallinari na umiskor ng 27 points. Ito na ang ikatlong talo ng Thunder sa huling apat na laro.

Hawak ng Miami ngayon ang 29-12 record habang nasadlak naman sa 23-19 ang OKC.

-- Advertisement --