Tila double celebration para kay Romnick Sarmenta at indipendent film actress na si Barbara Ruaro ang nagdaang Valentine’s Day.

Ito’y matapos isinilang na ni Ruaro sa Araw ng mga Puso ang kanilang first baby, kung saan 24 hours aniya siyang nag-labor.

Gayunman, wala pang anunsyo kung ito ba ay baby boy o baby girl.

Hunyo noong nakaraang taon lang nang kumpirmahin ng 48-year-old matinee idol na may bago na itong pag-ibig kasabay ng apela ng respeto.

Bago ito, nauwi sa hiwalayan ang halos dalawang dekadang pagiging mag-asawa nina Sarmenta at Harlene Bautista bagama’t nananatiling mabuting magulang sa kanilang limang anak.

-- Advertisement --