Mariing pinabulaanan ni Party-list Coalition president Michael Romero ang balitang dalawa na lang ang pinagpipilian nilang kandidato para sa speakership race sa 18th Congress.

Nauna nang sinabi ni PBA Party-list Rep. Jericho Nograles na tanging ina Marinduque Rep. Lord Alan Velasco at Leyte Representative-elect Martin Romualdez na lamang ang kanilang pinagpipilian bilang susunod na lider ng Kamara

Pero iginiit ni Romero na wala pang pinal na desisyon ang Party-list Coaltion sa usapin na ito.

Sa susunod na linggo pa raw sila magpupulng para desisyunan kung sino ang susuportahan na speaker-aspirant.

Sa kabilang dako, inaasahang lalo pang titindi ang lobbying sa mga mambabtas dahil na rin sa umano’y proxy war n mga mayayamang negosyante kagaya nina Ramon Ang, Danding Cojuanco at Enrique Razon.