Reading Time: 1 minute

BAGUIO CITY – Masiglang nagtanghal si Mick Jagger sa “No Filter Tour” ng Rolling Stones sa Chicago matapos siyang maoperahan sa puso noong Abril sa New York.

Sumailalim sa heart valve replacement ang 75-year-old singer na naging dahilan ng delay ng concert tour ng banda.

Ang sikat na British band ay nagtanghal sa Soldier Field Stadium na puno ng libu-libong fans.

Inawit nila ang kanilang mga sikat na awitin katulad ng “Street Fighting Man” na nagbukas sa palabas.

Sa pagpapatuloy ng tour ay iikutin ng award-winning band ang ilan pang mga lugar sa Amerika at Canada.

Magtatapos naman ang tour sa Agosto 31 sa Miami.