-- Advertisements --
Inihayag ng Department of Energy (DOE) na asahan ng mga motorista ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
Ito ay base sa pagtaya sa paggalaw ng presyo ng petroleum product sa nakalipas na 4 days trading.
Sa gasolina, tinatayang magkakaroon ng rollback na P0.30 hanggang P0.60 kada litro, sa Diesel naman ay inaasahang magkakaroon ng tapyas na P0.30 hanggang P0.50 kada litro at sa Kerosene naman ay magkakaroon ng rollback na P0.40 hanggang P0.65 kada litro.
Inaasahan na opisyal na iaanunsiyo ng mga kompaniya ng langis ang oil price rollback sa araw ng Lunes at ipapatupad naman sa araw ng Martes, Hunyo 20.