Magpapatupad ang mga oil companies ng rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggo.

Sa abiso ng Shell, Petro Gazz, at Cleanfuel, may bawas na P0.30 sa kada litro ng gasolina habang P0.40 naman sa kada litro ng diesel.

May tapyas ding P0.35 sa kada litro ng kerosene o gaas ng Shell.

Epektibo ang oil price adjustment ng Cleanfuel ngayong araw, January 27, mamayang alas-8:01 ng umaga.

Ipatutupad naman ng Shell ang kanilang oil price rollback bukas, January 28, dakong alas-6:00 ng umaga.

Inaasahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang kumpanya ng langis ng pagbabago sa presyo ng kani-kanilang produkto.