Muli na namang minalas ang Houston Rockets nang makaranas ulit nang pagkatalo at sa pagkataong ito ay sa kamay ng Washington Wizards, 121-103.

Ang kabiguan ng Rockets ay sa gitna na rin ng hindi pa sila nakakabangon sa masaklap na pagkatalo kahapon ng isang puntos sa Boston Celtics.

Sa ngayon natikman na ng Houston ang ika-lima nilang sunod-sunod na pagkatalo.

Inalat din ang NBA scoring leader na si James Harden na meron lamang 20 points para sa Rockets.

Nagbalik na rin sa team si Chris Paul makalipas ang tatlong games na hindi nakapaglaro dahil sa injury.

Pero hindi pa rin ito sapat kung saan meron lamang siyang eight points at six assists.

Sa ngayon nasa 25-9 na ang record ng Rockets habang hawak naman ng Wizards ang kartada na 20-16.