Video courtesy of FreeDawkins

Kumubra ng 29 points at 10 assists si James Harden upang tulungan ang Houston Rockets sa kanilang 122-90 dominasyon sa Utah Jazz sa Game 1 ng best-of-five first-round playoff series.

Hawak ng Rockets ang double-digit lead sa halos kabuuan ng laro, ngunit nagawa ng Jazz na tapyasan sa lima ang agwat nila sa third quarter bago humarurot ang Houston upang makalayo at maibulsa ang panalo.

Ito na ang ikalawang sunod na pagkakataon na nagtuos ang dalawang team sa postseason matapos madispatsa ng Rockets ang Utah sa limang laro sa second round noong nakalipas na season.

Idaraos pa rin sa Houston ang Game 2 sa araw ng Huwebes.

Abanse ng 15 ang Houston sa fourth bago magsalpak ng anim na puntos si Harden sa 9-2 bomba na nagpalawig nang husto ang lamang sa 108-86 sa nalalabing apat na minuto ng laro.

Liban kay Harden, humataw din sina Eric Gordon na humugot ng 17, Clint Capela na umiskor 16, Chris Paul na may 14 at P.J. Tucker sa kanyang 11.

Samantala, humagod naman ng 22 points at 12 rebounds si Rudy Gobert upang bumida sa Jazz, na nakahugot din kay Donovan Mitchell ng 19 points.