-- Advertisements --

Nangangako si Vice President Leni Robredo na kanyang tututukan pa rin ang pagbawi sa mga ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.

Ayon kay Robredo, na tatakbo sa pagkapangulo sa 2022 national elections, “kailangang mabawi” ang mga “nakaw na yaman” na ito.

Iginiit ni Robredo na sa panahon na maraming Pilipino ang naghihirap ay “nagpapakasasa” aiya ang pamilya Marcos sa magandang buhay na mayroon ang mga ito sa ngayon.

Mayroon naman aniyang mga records na magpapatunay sa ill-gotten wealth ng pamilya ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

“Kumpleto ang datos, hindi po ito haka haka. May mga desisyon ang Supreme Court. Mayroong mga conviction, in fact, marami na tayong nabawing nanakaw na yaman pero hindi pa lahat. At tututukan natin, sisiguraduhin natin na mabawi natin ‘yun,” ani Robredo.

Si Robredo ay makakalaban ulit ng anak ng dating Pangulong Marcos na si dating senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr, pero sa pagkakataon na ito ay sa pagkapangulo naman.