-- Advertisements --

Sa Oktubre 8 pa magdedesisyon si Vice President Leni Robredo hinggil sa plano nito kaugnay sa 2022 elections, ayon sa tagapagsalita nito.

Sinabi ito ni Atty. Barry Gutierrez matapos na mapaulat na sinabi ni Brother Armin Luistro, covenor ng 1Sambayan, na tinaggap na umano ni Robredo ang kanilang nominasyon sa kanya bilang standardbearer ng coalition.

Pinabulaanan din ni Gutierrez ang napabalitang pagtakbo ni Robredo sa Camarines Sur makalipas na inilipat nito ang kanyang voter’s registration sa Magarao, Camarines Sur mula Naga City.

Kamakailan lang, inanunsyo ng 1Sambayan na napili nila si Robredo bilang kanilang presidential candidate pero nilinaw ng bise presidente na wala pa siyang pinal na desisyon hinggil dito.

Nakiusap pa nga si Robredo sa publiko na tulungan siyang ipanalangin ang usapin na ito.