Hinangaan ni Vice President Leni Robredo si Baguio City Mayor Benjamin Magalong dahil sa irrevocable resignation na inihain nito bilang contact tracing czar kasunod nang kanyang pagdalo sa isang party kung saan hindi nasunod ang COVID-19 protocols.

Sinabi ni Robredo na “napakahusay nang pag-ako ng accountability” ni Magalong na dapat pamarisan nilang mga opisyal ng pamahalaan.

Kung siya ang tatanungin, sinabi ni Robredo na mayroong lapse o pagkakamali sa pagdalo ni Magalong sa party ng kilalang eventologist na si Tim Yap.

Kahanga-hanga naman aniya na malakas ang “sense of accountability” ni Magalong, pero nanghihinayang naman sa resignation nito lalo pa at malaki aniya ang naitulong ng alkalde sa contact tracing efforts ng pamahalaan.

Nauna nang inamin ni Magalong na posibleng mayroong nangyaring paglabag sa protocols sa party ni Yap kagaya nang hindi pagsuot ng face mask sa lahat ng oras

-- Advertisement --