ROBREDO DDB 2
-- Advertisements --

Wala na raw uurungan si Vice President Leni Robredo sa mga nagdadawit ng kanyang pangalan at tanggapan sa mga ikinakalat na maling impormasyon online.

“Enough is enough. We will make sure that we will hold these people accountable. We will be seeking [a] formal investigation. I have already assigned a team to gather all the evidence, all the evidence that we have on-hand,” ani VP Leni sa isang interview.

Pahayag ito ni Robredo kasunod ng anunsyo ng Department of Justice na tututukan na rin ng kagawaran ang mga nagpakakalat ng “fake news” sa social media.

Kung maaalala, idinawit sa ilang social media post kamakailan ang pangalan at tanggapan ni VP Leni, na nagpadala umano ng mga donasyong panis na pagkain sa isang ospital sa Quezon City.

“Hindi lang ito against sa akin eh, pero against ito sa society as a whole. Itong mga trolls—ako, we have been victimized also. Pero itong mga trolls, not just against us eh, pero it’s against society in general, because they are making iyong online space a hostile environment.”

-- Advertisement --

“I think it’s time, it’s time to make them accountable already. “

May inatasang team na raw si Robredo mula sa kanyang tanggapan upang mangalap ng mga ebidensya, at para hindi umano maapektuhan ang pamumuno niya sa COVID-19 response ng Office of the Vice President.

“Pero gusto kasi namin, Karen, when we request for a formal investigation, mayroon na din kaming mga ibibigay from us. Actually, nag-crowdsource kami, for people to help us collate what is there, what is out there. Pero ito, there is a team who’s trying to unearth iyong mga real identities of these people.”

Una nang itinanggi ni Robredo at ng tagapagsalita nitong si Atty. Barry Gutierrez ang ulat. Maging ang Diliman Doctors Hospital na idinawit sa post ay nilinaw na hindi nangyari ang sinasabing insidente.