-- Advertisements --

Sinagot ng kampo ni Vice President Leni Robredo ang panibagong mosyon na inihain ng natalong vice presidential candidate Bongbong Marcos sa Supreme Court kaugnay ng electoral protest sa halalan noong 2016.

“Protestant Marcos has not been treated unfairly,” ayon kina Atty. Romulo Macalintal at Atty. Maria Bernadette Sardillo, mga abogado ng pangalawang pangulo.

Iginiit ng kampo ni Robredo na sa kabila ng mga pagkakataong ibinigay kay Marcos para patunayan ang akusayon na dayaan sa halalan ng pagka-bise presidente ay bigo itong makapag-palutang ng ebidensya.

“He has been givene very opportunity to prove his unfounded claims for electoral frauds. After more than four years, protestant Marcos has not been able to present a single evidence to prove that he should be declared the rightful winner in the May 9, 2016 Vice-Presidential Elections.”

Nitong Lunes nang maghain ng strong manifestation si Marcos sa Supreme Court, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), para mag-inhibit si Associate Justice Marvic Leonen sa poll protest.

Ayon sa kampo ni VP Leni, kung susundin ng korte ang argumento ni Marcos ay baka maubos naman ang hanay ng mga justices na dapat din daw mag-inhibit dahil sa kanilang mga ugnayan dating senador

“To follow the logic and reasoning of protestant Marcos would result to an absurdity if not inhibition of most, if not all members of the Honorable Tribunal.”

Tulad nina Chief Justice Diosdado Peralta at Assoc. Justice Estela Perlas-Bernabe na bumoto noon pabor sa paglilipat ng labi ni dating pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani.

Pati na si Assoc. Justice Benjamin Caguioa na kaklase umano ng asawa ni Marcos at Assoc. Justice Alexander Gesmundo na dati namang commissioner ng Presidential Commission on Good Government — ang ahensyang may mandatong likumin ang sinasabing nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

“Now, to follow the logic of protestant Marcos, the members of the Honorable Tribunal who were appointed by President Duterte should also inhibit from this Election Protest.”

“On several occasions, Presidente Duterte admits to being indebted to the sister of protestant Marcos for being one of those who funded his campaign.”

Pinuna rin ng kampo ni Robredo ang pagde-depende ni Marcos sa mga artikulo ng mamamahayag na si Jomar Canlas ng The Manila Times, na dati na raw pinagsabihan ng Supreme Court dahil sa mga news articles na wala umanong matibay na basehan.

Magugunita na isa sa binanggit ni Marcos na grounds for inhibition ni Leonen ay ang artikulo tungkol sa pangungumbinse umano nito sa mga kapwa mahistrado na ibasura ang poll protest ng dating senador.

Kahapon nang pagsabihan ng Presidential Electoral Tribunal ang parehong kampo na iwasang pag-usapan sa publiko ang nakabinbin pang electoral protest.