Reading Time: 1 minute

Hindi pa rin isinasantabi ni Vice Pres. Leni Robredo ang posibilidad ng pagtakbo bilang pangulo sa eleksyon sa 2022.

Ito ang kinumpirma ng pangalawang pangulo nang tanunging sa interview ng isang international news agency.

Hindi man tahasang binanggit ni Robredo ang kanyang plano, nagpahaging naman hinggil ito sa posibilidad na kumandidato bilang presidente.

Dagdag pa nito, sapat ng dahilan ang kanyang pagtakbo noon bilang bise presidente para subukan ang kanyang kakayahan sa pagiging lider ng bansa.

“If you ask me now, I have no plans, but I am leaving everything open,” ani Robredo sa interview ng Bloomberg TV.

“I wouldn’t have run for the vice presidency if I didn’t feel I was ready for the presidency.”

Kung maaalala, dati ng sinabi ni Robredo na wala sa kanyang plano ang pagtakbo sa pagkapangulo.

Ayon sa kanya, tadhana lang ang makapagsasabi kung tatanggapin niya ang alok bilang na kandidatura sa 20202 presidential elections.(Bloomberg TV)