Reading Time: 1 minute
pacquiao buboy fernandez
Pacquiao and Fernandez in training

Pinahanga ni Sen. Manny Pacquiao si coach Freddie Roach at ang kaniyang sparring partner sa ginagawa nitong paghahanda isang buwan bago ang laban kay Keith Thurman.

Sinabi ng sikat na boxing trainer, nakakabilib ang nasabing performance ng Pinoy boxing champion sa walong round-sparring session sa Wild Card Boxing Gym.

Dagdag pa ni Roach, marami pang mga pagbabago ang kanilang gagawin lalo na at isang buwan na lamang ang natitira para sa laban kay Thurman na gaganapin sa MGM Grand Arena.

Humanga rin ito sa ginawang pagsasanay ni Pacquiao sa ilalim ni Buboy Fernandez na napanatili niya ang bilis at lakas nito.

Maging si welterweigh boxer Arnold Gonzales na naging sparring partner ni Pacquiao ay humanga sa kaniya.

Si Gonzales ay naging bahagi rin sa sparring sessions ni Pacquiao noong nakaharap niya si Adrien Broner.

Hindi rin maitago ni junior-welterweight boxer AB Lopez ang pagbilib sa Filipino boxing icon dahil sa kakaiba at pambihirang lakas nito.

Bukod aniya sa boxing ay nagsagawa na ng running session si Pacquiao kung saan umabot sa 3.77 miles ang tinakbo sa loob ng 29 minutes at 42 seconds sa Hollywood.