psPORT
Philsport/ PSC FB

Pag-aaralang mabuti ng Depatment of Public Works and Highways (DPWH) kung maaaring gawing temporaryong medical facilities ang Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila at Philsport Complex sa Pasig City.

Ayon sa DPWH, titignan nilang mabuti kung papasa ba ang dalawang lugar sa requirements mula sa Department of Health (DOH).

Kinokonsiderang gamitin sa Philsport Complexa n g Multi-purpose Arena at track oval nito habang sa Rizal Memorial Coliseum, Ninoy Aquino Stadium at Rizal Baseball Stadium na ginamit na noon bilang evacuation o bodega ng mga relief goods.

Mismong si Philippine Sports Commission chairman William Ramirez ang nag-alok sa nasabing dalawang pasilidad dahil pag-aari aniya ito ng gobyerno.