Magkakaroon ng rigodon sa liderato ng AFP kasunod sa maagang pagretiro sa serbisyo ni AFP chief of staff Gen Eduardo Año.

Ayon kay AFP spokesperson BGen. Restituto Padilla na bukod kay General Año na magreretiro sa serbisyo nasa pitong three star generals din ang nakatakdang magretiro ngayong taon.

Aniya, ito ang lilikha ng mga vacancies sa liderato ng AFP.

Nilinaw naman ni Padilla na hindi pa natatalakay ng AFP board of generals ang mga kandidato para humalili sa mga posisyong ito at siguradong lilikha ng mga promosyon sa liderato ng AFP.

Hindi naman binanggit ni Padilla kung sino-sino ang pitong three star generals.

-- Advertisement --

Kahapon, nagpulong na ang board of generals para talakayin kung sinu sino ang posibleng maging kandidato sa susunod na chief of staff na papalit sa pwesto ni Gen. Año.