Richard Lucy
Ormoc City Mayor “Goma” and actress/Leyte 4th District Rep. Lucy Gomez-Torres.

May posibilidad umanong alam ni Richard Gomez ang usap-usapang romantic relationship ng nag-iisang anak nila ni Lucy Torres na si Juliana.

Nitong mga nakalipas na araw nang magbigay-kilig ang lambingan moments ni Juliana at non-showbiz guy pero national athlete na nagngangalang Miggy Bonnevie-Bautista.

-- Advertisement --

Lumalabas kasi na magkasama sa training sina Juliana at Miggy para sa fencing at nabatid na si Richard ang kasalukuyang pangulo ng Philippine Fencing Association.

Sa tatlong larawang nai-post sa IG account ng fencer na si Miggy, nariyan ang nakaupo lamang sila sa sofa, mayroon ding ‘yaong nakahalik ang atleta sa braso ni Juliana habang tinititigan naman siya ng dalaga.

Nagkomento rin si Juliana sa pamamagitan ng simpleng fingers crossed at heart emoji, at sumagot ang rumored boyfriend na kissing emoji.

Nitong nakalipas na Pasko ay may post din si Miggy ng mga larawan nila ni Juliana na magkatabi at tila umiinom ng wine.

Taong 2018 nang naging miyembro si Miggy ng Philippine Fencing team si Miggy at sa parehong taon din nasungkit ang gold medal sa individual juniors epee competition ng Philippine National Junior and Cadet Fencing Championship

Nanalo naman siya ng bronze medal sa U17 division ng National Swiss Cadet Competition na ginanap sa Switzerland.

Kung maaalala, kasabay ng pagtungtong sa edad na 20 noong nakaraang taon ay panay naman ang post ng unica hija nina Richard at Lucy sa kanyang pambihirang sexy photos.