Reading Time: 1 minute
Richard Gere
Richard Gere/ IG post

Hinangaan ang ginawang kabutihan loob ng beteranong actor Richard Gere sa mga migrants na nabalahaw sa Mediterranean Sea.

Lulan ng bangka, may dala-dalang mga pagkain at mga damit ang 69-anyos na actor.

Nagtungo ito sa isla ng Lampedusa ng Italya at personal na ipinasakamay ang tulong kasama ilang grupo.

Aabot sa 121 na migrants kasama ang 32 mga kabataan ang nabalahaw sa gitna ng dagat lulan ng Spanish humanitarian ship na Open Arms.

Nakipag-kuwentuhan pa ang actor sa mga migrants na naipit sa gitna ng karagatan.