IMAGE (c) PNP spokesperson Col. Bernard Banac

Iginagalang umano ng Pambansang Pulisya ang alok na pabuya para sa agarang pag-aresto kay dating police Col. Eduardo Acierto na sangkot umano sa pagpasok ng multi-bilyong pisong halaga ng shabu na nakalagay sa magnetic filters noong 2017.

Ayon kay Philippine National Police spokesperson Col. Bernard Banac, makatutulong ang reward money para mabilis na maaresto ang dating police colonel.

Nitong Lunes nang kumpirmahin ng Department of Justice na P10-milyong ng patong sa ulo si Acierto mula sa Malacanang.

Sa kabila nito ay patuloy daw na tinutugis ng PNP ang inaakusahang dating opisyal.