Iniulat ng Social Security System ang positibong pagtaas ng kanilang revenue collection sa 9.5% o katumbas ng P362.20 bilyon noong nakaraang taon.
Ito ay mas mataas sa kanilang revenue target para sa naturang taon na P330.80 bilyon.
Sa isang pahayag, sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Rolando Ledesma MACASAET , ito ang nakamit ng SSS na pinakamataas na kita
Kasama sa naging dahilan ng pagsipa ng revenue ng kumpanya ay dahil sa pagpapaigting sa collection ng SSS lalo na sa mga delinquent employers.
Batay sa datos, noong 2023, tumaas ng 18.2% ang aktwal na koleksyon na pumalo nasa P309.12 bilyon.
Umabot naman sa P10.48 bilyong kontribusyon sa SSS ang naging ambag ng aabot sa 1.4 milyon na mga bagong miyembro nito noong nakaraang taon.
Sumipa rin sa P53.08 bilyon ang nakamit na revenue ng SSS pagdating sa investment na mas mataas rin ng P16.77 bilyon sa target ng kumpanya.