Retired nurse arestado sa buy bust operation sa Surigao City
-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Inihanda na ng mga otoridad ang mga kasong isasampa laban sa isang retired nurse matapos matpaos na maaresto sa buy-bust operation sa Barangay Washington, Surigao City ng alas-4:30 ng kahapon.

Sa panayamg ng Bombo Radyo Butuan, kinilala ni Dindo Abellanosa information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Caraga, ang na-aresto na si Mark Anthony PatiƱo, na isang high value target.

Nakuha sa kanya ang isang sachet ng pinaghihinalaang shabu na ginamit sa transaksyon na may timbang na 5 gramo, isa pang sachet na may timbag na isang gramo, P1,000 buy-bust money; dalawang cellphone, at ang kanyang PRC License ID.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ng Surigao City PNP ang naarestong retired nurse.