Bowe2

Nadagdagan pa ang bilang ng mga retiradong boksingero na nagpahayag ng kanilang muling paglaban sa boxing ring.

Pinakahuli rito ay si dating undisputed heavyweight champion Riddick Bowe.

Huling lumaban si Bowe noon pang 2008 at nanalo ito sa walong round decision sa Germany.

Ayon sa 52-anyos na si Bowe, nais niyang makaharap sina Mike Tyson o si Evander Holyfield.

Tatlong beses na niyang nakaharap si Holyfield na itinuturing na best heavyweight trilogies sa kasaysayan ng boxing.

Sa unang laban nila ay nanalo ito sa decision, pero natalo naman ito sa decision din sa ikalawang laban at sa pangatlo ay tinalo na niya si Holyfield.

May record si Bowe na 43 panalo, isang talo at 33 knockouts.

Isa lamang si Bowe na nagpahayag ng pababalik sa boxing na una ay sina Tyson, Holyfield at si Oscar dela Hoya.