Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si retired army general Ricardo “Dick” Morales bilang miymbreo ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Board of Trustees.

Maninilbihan is Morales bilang Board of Trustees na termino ni Reynaldo Velasco hanggang Hunyo 30, 2019.

Nauna ng inanunsiyo ng pangulo na itatalaga niya si Morales bilang MWSS Chairman na ang ibig sabihin ay papalitan niya siy MWSS Board of Trustees Chairman Frankling Demonteverde.

Magugunitang sinermunan ng pangulo ang MWSS sa pamumuno noon ni Velasco dahil sa naging krisis ng suplay ng tubig sa ilang bahagi ng Metro Manila.