Dead-on-the spot ang isang retiradong pulis na nakadestino noon sa Cebu City Police Office(CCPO) matapos pagbabarilin pasado alas 2:35 nitong Huwebes ng hapon sa Camp Marina, Brgy. Kalunasan nitong lungsod ng Cebu.

Nangyari ang krimen nang kukunin sana ng biktimang si SPO3 Brazillio Borinaga ang kargamento na nasa kanyang sasakyan na nakaparada sa harap mismo ng kanyang bahay.

Nanggaling pa ang biktima at ang kanyang asawa sa pamilihan nang mangyari ang pagpamaril.

Wala namang nakasaksi sa pangyayari dahil nakapasok na sa loob si Helen nang binaril ang kanyang asawa.

Nakatamo ng mga tama sa kanyang ulo ang 51 anyos na biktima at sa iba pang parte ng kanyang katawan dahilan sa kanyang agarang pagkamatay.

Kung maaalala, inilipat ito sa Kalinga, Apayao mula sa kanyang pagkadestino sa Cebu bago ito nagretiro noong Hulyo ng nakaraang taon.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang isinagawang imbestigasyon ng pulisya sa nangyaring pagpatay.