Kasunod ng pagsasampa ng kaso ng ilang mga personalidad at grupo sa kontrobersiyal na Anti Terror Law sa Supreme Court (SC) isinampa ngayon ng mga kilalang legal luminaries ang ika-11 na petisyon sa Korte Suprema.
Kabilang sa mga nagsampa ng petisyon ngayon ay sina retired Senior Associate Justice Antonio Carpio at Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Hiniling ng mga petitioners na maglabas ang kataas-taasang hukuman ng temporary restraining order (TRO).
Ipinadedeklara rin ng mga petitioners ang buong batas o ilang provisions na unconstitutional.
Kabilang din sa argumento sa Anti-Terrorism Act na ihinain ni Carpio ang paglabag daw sa separation of powers at bill of rights.
Una rito naghain ng ika-10 petisyon ang cause oriented at advocacy groups kasama ang mga biktima umano ng red-tagging drive ng gobyerno ng petisyon sa SC.
Ang iba pang petisyon ay ikinonsolidate o pinagsama-sama na ng SC.
Ang batas ay epektibo na noon pang Hulyo 18.