Reading Time: 1 minute
Scamp the Tramp
Scamp The Tramp

Nakuha ng isang rescued dog ang titulong World’s Ugliest Dog.

Nanguna si Scamp the Tramp na isang dating stray dog na may magulong buhok at tumatakip sa kaniyang mata sa kabuuang 19 aso na sumali sa taunang patimpalak na ginanap sa Sonoma-Marin Fairgounds & Event Center sa Petaluma, California.

Ayon sa may-ari ng aso na si Yvonne Morones, inampon niya si Scamp sa Los Angeles animal shelter at wala itong pagsisi dahil nagtagumpay ito.

Sa loob kasi ng pitong taon ay naging pet therapist si Scamp sa Sebastopol Senior Center.

Mag-uuwi si Scamp ng $1,500 at trophy na tatapatan ng donasyon sa Humane Society of Sonoma County, Angels Fund at Compassion Without Borders.