Nagsagawa ng malawakang rescue operations ang mga otoridad sa Miami-Dade County sa Florida matapos ang pagguho ng 12-storey residential building na ikinasawi ng isang katao.

Naghahanap ng mga suvivors ang mga rescuers na maaaring natabunan ng gumuhong gusali.

Umabot na sa 35 katao ang kanilang nailabas sa gumuhong gusali.

Unang naitalang sugatan ang walong katao sa nasabing aksidente.

Hindi naman tiyak ng mga otoridad kung ilang mga tao ang nasa gusali noong nangyari ang aksidente.

Nagpadala ng 80 mga sasakyan ang mga rescuers sa nasabing lugar.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad ang naging sanhi ng pagguho ng gusali.