-- Advertisements --
DFA 1.1

Mamadaliin daw ng Department of Foreing Affairs (DFA) ang repatriation ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na nasa United Arab Emirates (UAE) dahil pa rin sa Coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni DFA Undersecretary Sara Arriola na minamadali nila ang pagpapauwi sa mga Pinoy sa UAE matapos ianunsyo ng UAE government na hanggang July 1 na lamang ang effectivity ng visa ng mga OFWs imbes na hanggang Disyembre.

Mas mainam din umanong mapauwi na ang mga Pinoy kahit binigyan sila ng isang buwang grace period o palugit na hanggang Agosto para hindi na magbayad ng multa.

Ayon sa DFA, kapag nagkataon, bukod sa overstaying ay mahal din ang presyo ng ticket.

Hanggang noong nakaraang linggo ay mayroon nang 53 na repatriation flights ang DFA sa UAE.

Una nang sinabi ng DFA na sa katapusan ng buwan ng Hulyo ay target nilang mapauwi ang 50,000 OFWs sa iba’t ibang panig ng mundo.