Nangako si House Committee on Appropriations chairman Eric Yap na isusulong nito na mapalakas ang pondo ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).

Ito ay para na rin aniya mapalakas ang kapasidad ng RITM sa iba’t ibang kaso ng sakit tulad na lamang ng COVID-19.

Ayon kay Yap, may pending na P1.6 billion supplementary budget sa Kongreso na ilalaan sa pagbili ng mga test kits at personal protective equipment para sa mga frontliners.

Subalit sinabi nitong na maari niyang i-realign ang naturang pondo upang matiyak na ang mga frontliners ay well-compensated din sa gitna nang laban kontra COVID-19.

Pahayaag naman ito ni Yap matapos na sabihin ng Department of Health noong Biyernes na ang mga magboboluntaryong medical professionals para tumayo bilang frontliners para sa COVID-19 ay tatanggap ng P500 kada araw.