Kumpiyansa si House prosecutor at Bicol Saro Party-list Rep. Terry Ridon na matatapos sa oras ang pagmamarka ng mga ebidensya sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte bago ang itinakdang pagsisimula ng paglilitis sa Hulyo 6.
Kahapon, sa ikaapat na araw ng pre-trial proceedings sa Senado bilang impeachment court, sinabi ni Ridon na mas bumilis ang proseso matapos dagdagan ang mga evidence-marking stations, na nagbigay-daan sa mas episyenteng pagproseso ng mga dokumento ng prosekusyon at depensa.
Ayon kay Ridon, libu-libong pahina ng dokumento ang kasalukuyang sinusuri at minamarkahan bilang paghahanda sa paglilitis.
Umaasa ang prosekusyon na makukumpleto ang pagmamarka ng ebidensya ngayong araw ng Huwebes, ngunit handa itong humiling ng karagdagang oras kung kinakailangan.










