-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si Anakalusugan party-list Rep. Mike Defensor.

Ayon kay Defensor, nalaman niyang siya ay positibo sa COVID-19 dalawang linggo na ang nakalilipas.

Bukod sa kanya, aabot sa pitong kasamahan niya sa bahay kabilang ang kanyang son-in-law ang nagpositibo rin sa COVID-19.

Sinabi ni Defensor na siya ay asymptomatic at kasalukuyang naka-quarantine, uminom ng gamot at vitamins at nakipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa kanilang sitwasyon.

Bukas ay nakatakdang sumailalim ulit sa COVID-19 swab test si Defensor.

-- Advertisement --