JOSHUA VS RUIZ 2
Ruiz vs Joshua/ IG post

Binabatikos ngayon ng human rights group na Amnesty International ang planong rematch ni Anthony Joshua at Andy Ruiz Jr. sa Saudi Arabia.

Ang nasabing desisyon ay matapos na ipahayag ni Joshua ang pagnanais nitong rematch na gaganapin sa Diriyah sa darating Disyembre 7.

Ayon kay Felix Jakens, ang Head of Campaigns ng Amnesty International sa United Kingdom, na dahil sa paghost ng Saudi Arabia ng nasabing events ay mawawala na ang mga kontrobersiya at mga paglapastangan nito ng mga karapatang pantao ng bansa.

Inihalimbawa dito ang pagpatay sa Saudi journalist na si Jamal Khashoggi.

Magugunitang tinalo ni Ruiz si Joshua noong Hulyo sa New York City kung saan ito ang unang talo ni Joshua.

Target nitong mabawi ang kaniyang WBA, IBF, WBO at IBO kay Ruiz na siyang tinaguriang kauna-unahang heavyweight champion ng Mexico.