-- Advertisements --
BAGUIO CITY – Balik na uli ang pagsasagawa ng religious gatherings sa munisipyo ng Lamut, Ifugao.
Pero ayon kay Lamut Mayor Mariano Biyagawan Jr., kinakailangang maobserbahan pa rin ang mga precautionary measures laban sa Coronavirus Disease 2019 tulad ng social distancing, paggamit ng facemask at iba pa.
Aniya, makakasuhan ang sinomang lalabag sa mga protocol kasama na ang church minister.
Kung maaalala, nagpositibo sa COVID-19 ang isang miyembro ng Coast Guard sa Lamut ngunit agad din itong gumaling.