Reading Time: 1 minute

Hindi dumaan kay Justice Sec. Menardo Guevarra ang release order ng mga bilanggong hinatulang guilty sa henious crimes.

Ginawa ni Department of Justice (DOJ) spokesperson Undersecretary Markk Perete ang naturang pahayag nitong araw bilang sagot sa pahayag ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na ang mga release order sa mga sinentensyahan ng life imprisonment ay kailangan ng approval ng Justice secretary.

Ayonkay Perete, nakagawian na sa BuCor na ipatupad ang release orders para sa mga convicted sa henious crime kahit walang approval ng Office of the Justice Secretary.

Basehan dito ng BuCor ayon kay Perete ang Republic Act 10575 o ang The Bureau of Corrections Act of 2013.

“But in 2013, ‘yung batas na ‘yun, ni-strengthen ‘yung Bureau of Corrections and ginawa siyang line agency na lang subject to the supervision of the Secretary instead of control, except that merong review powers dapat si Secretary,” ani Perete sa isang panayam.

Bukod dito, sinabi rin ng opisyal na noong 2015 ay naglabas ng kautusan ang DOJ na nagsasabi na ang mga release orders para sa henious crimes convicts ay dapat na i-elevate sa Justice secretary, subalit hindi na kailangan pa ang kanyang prior approval.

Ito aniya ang dahilan kung bakit wala raw alam ang DOJ hinggil sa umano’y release orders para kay Calauan, Laguna mayor Antonio Sanchez at iba pang indibidwal na guilty sa pagkamatay ng mga Chiong sisters.