Screenshot 2019 06 01 17 57 14
IMAGE | Angat Dam/Maynilad

Nakatakda na raw isumite ng Department of Justice (DoJ) ang kanilang rekomendasyon kay Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay ng water consession agreement sa pagitan ng pamahalaan at Manila Water at Maynilad.

Kung maalala ang hindi magandang serbisyo ang naging dahilan kung bakit ni-review ng DoJ kasama ang iba pang ahensiya ng pamahalaan ang 1997 deal ng dalawang water concessionaire sa gobyerno.

Sinabi ni Guevarra na sa katapusan ng buwan nila isusumite ang kanilang rekomendasyon sa Pangulo at nasa diskresyon pa rin niya kung ano ang susunod na gagawin sa kanilang rekomendasyon.

Aminado si Guevarra na hindi ito sigurado kung tatanggapin lahat ni Duterte ang kanilang rekomendasyon.

Kapag okay na sa presidente ang resulta ng kanilang review sa agreement ay pupulungin daw nila ang dalawang kumpanya.

Siniguro naman daw ng dalawang water distributor na makikipag-cooperate ang mga ito ano man ang maging desisyon ng Pangulong Duterte sa kasunduan.