Reading Time: 1 minute

Kinumpirma ni Assistant State Prosecutor Susan Azarcon na idineklara nang submitted for resolution ang reklamo laban sa pulis na suspek sa pagpatay sa isang abogado sa Rodriguez, Rizal noong Mayo.

Si Police Senior Master Sgt. Michael Eralino ay naisalang na sa inquest proceedings sa Department of Justice (DoJ) para sa reklamong paglabag sa Republic 10591 (Comprehensive Law on Firearms and Ammunition) at Republic Act 9516 (An Act Imposing Stiffer Penalties for Certain Violations of Illegal/Unlawful Possession of Explosives).

Ito ay matapos na mahulihan ang suspek ng mga hindi lisensiyadong baril, mga bala at pampasabog nang salakayin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang kanyang bahay sa Taytay, Rizal.

Si Eralino ay suspek sa pagpatay kay Atty. Edilberto Golla Jr noong May 17, 2019.

Si Golla ay binaril ng mga armadong lalaki na sakay ng motorsilo sa labas ng Eastwood Greenview Subdivision sa Rodriguez kung saan siya nakatira.