Dapat panagutin din ang mga regional officers ng National Capital Region (NCR) office ng PhilHealth sa umano’y “ghost” dialysis treatment scam.

Ayon kay dating PhilHealth Independent Director Dr. Anthony Leachon, ang mga regional officers ng PhilHealth ay in charge sa pagtitiyak na ang mga hospitals at treatment facilities ay sumusunod sa standard ng PhilHealth.

“The command responsibility starts at the highest levels, but sa dami ng ginagawa ng presidente at saka ng board all of these resolutions, dapat ‘yong checklist na ‘yon nandoon,” saad ni Leachon sa isang panayam.

Kung nasuri raw kasi ng mga opisyal ng regional office ng PhilHealth sa NCR ang mga transaksyon at electronic records ng Wellmed, nakita na raw sana kaagad ang non-compliance nito sa mga requirements.

May command responsibility sa naturang issue pero hindi rin daw lusot dito ang mga nasa puwesto sa baba tulad ng regional president at directors.