Apektado ang ilang Valentine’s Day plans ni Regine Velasquez.

Ito’y dahil kasalukuyang naka-quarantine ang 50-year-old singer/actress dahil na-expose ito sa isang pasyente na positibo sa Coronavirus Disease (COVID).

Pero tiniyak naman ng “Asia’s Songbird” na mabuti ang kanyang kalagayan gayundin ng kanyang pamilya.

“Okay ako at ang family ko so don’t worry. We will announce the concert date as soon as possible. Thank you so much for your understanding,” saad ni Velasquez-Alcasid.

Kaugnay nito, kanselado muna ang kanya sanang upcoming Valentine’s Day virtual concert na ire-reschedule na lamang.

-- Advertisement --

“The health and safety of our artist and staff is our priority and we are thankful for your support and understanding,” saad ng ABS-CBN.