-- Advertisements --
DOST PAGASA GORING

Inilagay na sa RED alert status ang buong lalawigan ng Cagayan Valley kasabay ng pagpapairal ng Charlie protocol sa lugar nang dahil sa Bagyong Goring.

Ito ay sa bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng mga kinauukulan hinggil sa posibleng maging epekto ng pananalasa ng nasabing bayo sa ating bansa.

Kaugnay nito ay patuloy naman ang pagpapaalala ng mga kinuukulan sa mamamayan at iba pang maaapektuhan ng nasabing bagyo na palagiang imonitor ang sitwasyon, magsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment meetings.

Samantala, ipinatupad na rin ang “no sea travel, no fishing, at no fishing policy sa mga coastal waters at mga ilog nang dahil pa rin sa sama ng panahon.

Kasalukuyan na ring inihahanda ng mga otoridad ang relief goods, medical supplies, at iba pang ipapaabot na tulong sa mga maaapektuhang indibidwal ng nasabing bagyo.