ILOILO CITY- Hinuli ng otoridad ang rebelde na top 2 regional most wanted person sa Western Visayas sa Barangay Tig-amaga, Miag-ao, Iloilo dahil sa patung-patong na kaso.
Ang rebelde ay si Raymund Paner alias Panen, 33, residente ng Barangay Tula-tula, Sibalom, Antique, isang magsasaka at kasapi ng Squad 1, Suyak Platoon ng Southern Front Committee-Komiteng Rehiyon Panay.
Sa panayam ng Bombo Radyo kay Capt. Kim Apitong, tagapagsalita ng 3rd Infantry Division ng Philippine Army, sinabi nito na si Paner ay may kasong murder na walang bail at isa pang kasong Direct Assault Upon a Person in Authority na may bail bond recommended na P12,000.00.
Ayon pa kay Apitong, hindi natatakot ang Philippine Army sa posibleng paghihiganti ng mga rebelde kasunod ng pag-aresto sa kanilang myembro.
Magpapatuloy naman ang combat operation at iba pang focused military operation ng kasundaluhan.