Reading Time: 1 minute
Kiefer Ravena
Ravena/ IG post

Todo ensayo ngayon si NLEX guard Kiefer Ravena bilang paghahanda sa 2019 FIBA Basketball World Cup.

Nagsasagawa ito ng dalawang beses sa isang linggo na ensayo kabilang na ang unang tune-up game laban sa Mighty Sports.

Matatapos lamang ang suspension nito dahil sa paggamit ng pinagbabawal na substance hanggang Agosto 24.

Sinabi nito na makailang beses na itong nag-eensayo sa NLEX at nagsasagawa ng work-out para maibalik ang kaniyang paglalaro.

Tiniyak nito na ginagawa niya ang kaniyang makakaya para mapanatili ang game-shape nito.