Bahagya umanong tumaas ang bilang ng nag-abang sa NBA Finals sa Estados Unidos matapos ang Game 2 kahapon ng Golden State Warriors at Toronto Raptors.

Batay sa isang survey, nakatipon umano ng 10.2 overnight rating ang panalo kahapon ng Warriors kontra sa Raptors, kumpara sa 10.1 noong Game 1.

Gayunman, ayon sa mga analysts, mababa pa rin daw ito kung ihahambing sa ratings noong nakaraang season dahil wala raw epekto rito ang viewership naman sa Canada.

Una nang inamin ni NBA Commissioner Adam Silver na inaasahan na nilang bababa ang ratings dahil ito rin ang unang pagkakataon na walang LeBron James sa Finals mula noong 2010.

Sa kabila nito, umaasa ang pamunuan ng NBA na tataas pa ang ratings lalo na kung umabot sa do-or-die na Game 7 ang serye ng Warriors at Raptors.