Reading Time: 1 minute
Toronto Raptors
Toronto Raptors/ IG post

Isang malaking hamon para sa Toronto Raptors ang pagharap nila sa Milwaukee Bucks sa pagsisimula ng Eastern Conference finals.

Ito ay bukod sa home court advantage ng Bucks ay nagkaroon ng maraming panahon para makapagpahinga matapos madling madispatsa ang Boston Celtics habang ang Raptors ay umabot pa sa Game 7 ang laban nila ng Philadelphia 76ers para makapasok sa East finals.

Ayon sa ilang mga basketball experts na kailangang pigilan nila ang tinaguriang best open court player na si Giannis Antetokounmpo.

Mayroong diskarte na rin ang Raptors players na si Kawaih Leonard at Marc Gasol para makuha ang unang panalo.

Base sa statistics ay naipanalo ng Bucks ang tatlong laro sa apat na paghaharap nila ng Raptors nitong regular season.