Reading Time: 1 minute

Labis na ikinalungkot ng MalacaƱang ang nangyari sa one year old baby boy sa Barangay San Antonio, Makati na natagpuang patay at nakitaan ng senyales ng panggagahasa.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ito ang dahilan kung bakit nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na magtuloy-tuloy ang maigting na kampanya kontra iligal na droga.

Ayon kay Sec. Panelo, ang ganitong mga pangyayari ay magpapatuloy kung hindi tuluyang mapupuksa ang mga sindikato ng Iligal na droga.

Hindi naman nakikita ni Sec. Panelo na mayroong pagkukulang ang mga alagad ng batas sa pagsugpo ng naturang salot sa lipunan.

Talaga aniyang mahirap lamang puksain ang iligal na droga at marami pa ring naeengganyo pumasok dito dahil sa malaking kinikitang era.

Sa huling report ng mga otoridad, naaresto na ang suspek sa karumal-dumal na pagpaslang sa sanggol.