Reading Time: 1 minute

LAOAG CITY – Inaalam na ng mga pulis ang dahilan at kung paano nakatakas mula sa Ilocos Norte Provincial Jail ang isang rape convict.

Kinilala ang nakatakas na si Medy Laudencia, residente ng Brgy. Suyo, bayan ng Dingras.

Batay sa ulat, dumaan malapit sa tapunan ng basura ang salarin matapos makitang sira na ang live wires na nakalagay sa lugar.

Nitong Sabado, August 31 nang maitala ang insidente.

Pinaghahanap na ng mga otoridad ang salarin.